Tuesday, May 1, 2012

Esperanza


hindi patag ang daanan/ ang tulay ay mahuna na at mahirap ng tapakan/ babalutan ka ng kaba kahit magtapang-tapangan/ alanganin lakaran ang daan na nilamon ng kadiliman/ ang liwanag di maipaliwanag kung nasaan/ ang kinaroroonan hindi matagpuan.






ang mundo hindi patas kung minsan/ o mas tamang ilahad ay, kadalasan/ bilog ang hugis akala mo lang/ minsan parihaba - maraming nakaharang/ minsan tatsulok - maraming nagtataas-taasan/ mga naghain ng pamantayan/ nagdikta na ang tama, sila lang/ 'tanginang yan/ pilayan ang nakagawian/ sumalungat sa mga ninuno na pasimuno ng kamalian/ maisasakatuparan lang ang "karunungan ay kapangyarihan"/ kung kabutihan ang paguukulan.



pero ikaw, oo ikaw.
ikaw ang liwanag
huling liwanag
huling hininga
huling hiling
oo.









ezperanza - spanish term for hope.
may21.2011|11:23pm