
Malamig ang sikat ng araw, nagyeyelo ang tubig sa takure, at maginaw ang tsokolate't kape.
"At ang Langaw Naglaho Kasabay ng Natutunaw na Mantikilya"
Lumagapak at dumausdos ng matulin deretso sa mga hita mong makinis, tinaboy mo ako, at napadpad malapit sa 'yong noo, iwinagayway mo ang kamay mo at matamis na halik mo ang natikman ko, nadiri ka at ako'y natangay ng iyong pagkadismaya.
Ang kamay mo'y naglakbay sa di-kalayuan, naghanap ng sandata, na sa 'king guni-guni ay mahinahon at mapurol, ngunit ang totoo'y dyaryong nakapulupot sa makamandag at matalas na punyal.
Ako'y tinamaan, nahulog sa himpapawid at tumagos sa mga mapag-panggap na mga ulap. Bumagsak ng nakadapa sa dilaw na mantikilya.
Natunaw.
05.11.09|11:13pm