Monday, December 13, 2010

lingon

malamig/ maginaw/ ang tanging pang-tapat ay kapeng matabang/ at mainit na sabaw.


ikaw ang dahilan kung bakit masarap gumising/ kahit pa maginaw na hangin ang yayapos sa akin/ ay pipilitin/ lalanguyin/ ang timba at tabo/ tunaw na yelo/ ang pampaligo/ tuyot ang nguso/ sa ilong, sipon at dugo/ ang tumutulo/ pero 'sang lingon mo lang/ gumagaan ang pakiramdam/ kapaligiran ay nagiging maligamgam.



malamig/ maginaw/ sa ilog o sa batis mahirap magtampisaw/ masarap humigop ng kapeng matabang at mainit na sabaw.


ikaw ay magmumula sa kwarto/ ng bahay kubo/ isangdaan at apatnapu't walo/ tayo/ sa almusal/ magsasalu-salo/ lahat masayang nagkakagulo/ pero ako/ seryoso/ di matinag ang tingin sayo/ kahit naka-tungo/ na sumusubo/ ng sinangag at ulam na tatlong pugo/ sawsawan na patis, ketsup at konting toyo/ pinyang juice sa baso/ kape sa puswelo/ ikaw ang bahalang maghulog ng yelo/ o magterno/ ng asukal, gatas, at konting halo/ di na mahalaga kung anong rekado/ 'sang lingon mo lang ang araw biglang kumpleto.


malamig/ maginaw/ sa harap ng bintana ikaw/ ang natatanaw/ nais kitang ipagkanaw/ ng kapeng matabang at alukin ng maiinit na sabaw.

ikaw ang nota/ do-re-mi-fa/ sa malambing na musika/ so-la-ti-do/ pang-sakto ng tempo/ ang himig laging timplado/ sa sayaw/ boogie, tango, o huling el bimbo/ ikaw ang nagbibigay ng tyempo/ para sa bawat hakbang/ may tamis at konting anghang/ pang-alis/ ng umay/ at kontra-tabang/ nakaka-indayog/ ang hatid mong tunog/ sa gabi/ malanding tinig mo ang pampatulog/ laging nahuhulog/ kahit isang lingon mo lang!





dec.28.2009|8.50pm|baguio city