Tuesday, January 11, 2011
"Flashlight"
Nahihirapan ang ilaw sa pagbibigay ng liwanag
Kasabay ng pagkurap ang paghina at pagtamlay
Hanggang sa nilamon ng dilim ang liwanag
Nakakasilaw.
Monday, January 3, 2011
yelo
Malamig ang dampi ng tubig
Sumabay pa ang pag-ihip ng hangin
Hanggang sa nagyelo na ang aking damdamin.
Putol na ang ugat sa binti
tapos na ang lakad patungo sa iyong ngiti.
tangan-tangan ng Disyembre ang sandamukal na kasiyahan
mabilis ang pagyakap
ngunit
higit na mabilis
ang pagtiwalag.
Newer Posts
Older Posts
Home
Subscribe to:
Comments (Atom)