Malamig ang dampi ng tubig
Sumabay pa ang pag-ihip ng hangin
Hanggang sa nagyelo na ang aking damdamin.

Putol na ang ugat sa binti
tapos na ang lakad patungo sa iyong ngiti.
tangan-tangan ng Disyembre ang sandamukal na kasiyahan
mabilis ang pagyakap
ngunit
higit na mabilis
ang pagtiwalag.