malayo ang lakbay ng buhay/ mahaba ang daanan/ at ako'y napahinto sa tapat ng pinto/di pa kumakatok, agad pinapasok/ at pina-upo ng tropa, kasama sa toma/ toka-toka, patak-patak ng pera, buo't barya/ pulutan balat ng nok-ma/ boy-ba at tokwa/ suka at mangga/ at pinaghalu-halong saya at ligaya/ lasing sa libu-libong ngiti at tawa/ salamat, sa mga dagdag na bida sa alamat ng kwelang batang mataba/ mat-sala sa hat-la/ di man ako nagtagal/ sana naman ay tumatak/ parang ter-impac/ na bumakat/ salamat sa mga bagong karunungan/ salamat sa mga gagong kalokohan/ salamat sa pantay na timbangan/ ng kahusayan at kasayahan/ masaya magtrabaho tumatawa pa/ kung gusto mo seryoso, sa ospital magdrama ka/ kung iisa-isahin ko pa lahat/ mahaba pa/ mabuti pa, tama na/ sapat na ang mga talata na nailathala na/ salamat sa istorya/ sa mga "aral" na di tinuturo ng libro/ sa mga "payo" na di kinopya sa kodigo/ putsa! bilis ng panahon, paano?! paalam na mga tsong, hanggang sa muling pagkakataon/ tandaan nyo pala tong- makapangyarihan lang sila/ pero di nila naranasan maging tunay na kampeon! tara inom.
Realidad:
problema? wala naman sana/ kung di lang sakto, nahuli sa akto/ walang sikreto na di nabubuko/ lalo na 'pag nagsabi ka ng totoo/ sapagkat kung sinungaling ka, sinungaling sya, sinungaling ako/ kung magkausap tayong tatlo, oh? sino na sa 'tin ang nagsasabi ng totoo? sibilisadong plastikan at legal na tablahan/ hirap paniwalaan/ tila lubos na nakasanayan/ hirap pakisamahan/ tila ahas sa kagubatan/ kung mayroong "mali" ang daliring hintuturo sayo ituturo/ kung mayroong "tama" parang batang laging tangan ang medalya/ punyeta!/ sobrang daming alam akala mo wikipedia/ sarap tadyakan at paluin ng silya/ walang talino na naituro/ puro kuro-kuro/ na ang dulo ng pangungusap ay siguro/ hanggang salita lang/ walang napatunayan/ kung may nagawa, nasaan ang katibayan/ hanggang yabang lamang/ putanginang tamad na nilalang/ pangit! ugali at mukha ay terno/ sabog ang ilong pati nguso/ baka di lang gilagid ang maitim, pati puso?! masama sa kalusugan ang napili mong bisyo/ adik sa pera at ganid sa kapangyarihan/ mga ipon mong pamasahe, kulang pa rin yan/ di sapat para umabot sa kalangitan/ kung sobra naman ang pera, balewala pa rin yan/ mabigat ang pasan at isa lang bagsak nyan/ sa langit? hindi, sa kabaligtaran/ kung napansin mo man/ wala akong sinuman na nabanggit na pangalan/ tama na paliwanagan/ akin ng tutuldukan/ meron akong kasabihan/ bato-bato sa langit, ang tamaan, kawawa naman!
anlendave|june132011