Sunday, March 28, 2010

payong



sarap mong payungan
sarap nyang payungin!



tanghali na naman/ at wala na namang masakyan na di-tayuan/ ukopado na ng iba't-ibang tao ang lahat ng upuan/ at tuluyan ng bumiyahe sa mahabang daanan/ nagbayad at nasuklian/ oras na para bumukas ang automatic na pintuan/ pagka-hakbang sa hagdanan/ pagbaba sa kalsada muntik pang masagasaan/ umpisa ng araw na nuknukan ng kamalasan.

pinatay na ang kanta na tumutugtog sa aking tenga/ kinapa ang bulsa at anak ng tupa/ nawalan ako ng syento-singkwenta pesos/ at ang natirang dalawang piso pinambili ko na lang ng mentos/ pangkalma, pangbanto/ sa mainit kong ulo na kumukulo.

pumasok na ako sa malaking kahoy na pinto/ na-alarma ang gwardiya at pumito/
"travelling?" ang sabi ko/ sabi nya, "tarantado, yung i.d. mo isuot mo"/ ako'y umeskapo patungong banyo/ sa unang banyo/ baha at lahat ng butas ay barado/ ultimo ang tubero mainit ang ulo/ sa pangalawang banyo/ basag ang salamin at walang tulo sa gripo/ at sa huling banyo/ ang pintuan naka-kandado/ wala ng nagawa/ akyat sa ika-limang palapag/ sakay sa elevator na nakakalula't nakaka-kulubot ng bayag/ mga kaklase natagpuang di-natitinag/ tuloy ang kasiyahan/ tuloy ang tawanan/ tuloy ang halakhakan/ tuloy ang mahabang kwentuhan/ na noong makalawa pa inumpisahan/ kanya-kanya ang bitaw ng palakpakan/ meron sa unahan/ sa likuran at tagiliran/ handog sa mga nagsipag-sayawan/ kantahan/ at mga palarong pambata/ na sinimulan ng ka-iskwelang/ parang mga tamang hinalang/ tinamaan ng bulalakaw mula sa kalawakan/ ayos lang/ at tuloy ang walang humpay na sigawan/ ultimo ang dapat pag-aralan ay di rin naman natutunan/ nasayang lang/ ang pagod mula sa pagpanik sa hagdanan/ at ang mahabang talakayan/ mula sa aleng malayo pa ang pinanggalingan/ hayaan na lang.

dumating na rin ang oras na pinaka-aabangan/ sa dinami-dami ng mangyayari eto talaga ang aking inantabayanan/ ang pagkanta ng kwelang diwatang mahiwaga/ at ang himig ng awitin/ mistulang halimuyak na hinatid ng hangin/ at ang damdaming praning/ dahil sayo/ naging kalmado/ handang magbago/ magpapakabait na ko/ at di na mang-gagago/ pangako.


malakas ang ulan/ ngunit handa ako/ na ika'y aking payungan/ sabi mo salamat na lang.
sa mahabang daanan/ ako'y nakipag-unahan sa takbuhan/ ngunit ako'y naabutan pa rin ng bilis ng kalungkutan.

sinaliksik, siniyasat, at hinanap/ ang katotohanan/ at pagkadismaya ang tumambad sa aking harapan.
di bale na lang/ wag mo kong kausapin/ wag mo kong pansinin/ wag mo kong intindihin/ at kung sakaling/ makasabay kitang muli sa daanang makulimlim/ pangako./ nakahanda akong/ ika'y aking payungin!



|september15.2009.11:58pm