Wednesday, April 28, 2010

tik-tak-tik-tak



sana naging masaya at malaya/ sana naabot mga bituin at tala/ sana umibig ng walang daya/ sa mga makasalanan/ na aking katulad/ na lagi mong pinapatawad/ sa paglalakbay/ eto na ang huling antala/ ikaw na pong bahala/ salamat po bathala


tik-tak-tik-tak/ ang kamay ng orasan di mapagsasabihan/ di mapipigilan/ kahit sandali lamang/ habang/ nakaratay sa kama ang katawan/ ulo nakapatong sa unan/ ang braso sa kanan/ may nakabaong/ karayom/ 'sing haba ng payong/ karugtong/ mahabang hose/ daanan ng dugo at dextrose/ mahirap makaraos/ ang boses paos/ walang gana/ walang panlasa/ gamot ang laman ng tasa/ pati kutsara/ nakakauta/ ang bibig parang bubula/ at parang bangungot/ na binabalot/ ng lungkot/ ang buong kwarto/ at lahat ng aparato/ sa 'kin ipinako/ ang binti at braso/ paralisado/ ineksyon parang kagat ng lamok/ na kasing laki ng manok/ at ang huling katok/ ni dok/ sa pinto/ ay nagbanta/ masamang balita/ nang makita/ ang resulta/ 'nak ng puta/ kritikal/ sa hospital/ tiwakal/ pisi ng buhay mapipigtal/ dalawang/ araw na lamang/ ang nakalaan/ para solusyunan/ ang karamdaman/ panalangin ang tanging pananggalang/ sa laban

tik-tak-tik-tak/ yakap ng siga kong tatay/ panalangin ng maunawain kong nanay/ matiyagang tita nakabantay/ sundalong tito may payong malumanay/ astig na utol kong bunso/ mga pinsang luko-loko/ may malaking puso/ nag-aalala ng husto/ maarugaing lola/ na nagpakita/ balewala ang pera/ iniwas ako sa disgrasya/ praning na tropa/ ang oras pinagkasya/ para makabisita/ at ipakita/ ang tunay na halaga/ ng barkada/ doktor na bakla/ may mahusay na reseta/ gamot, mapakla/ pero mainam ang resulta/ nurse na maganda/ umupo sa 'king kama/ ineksyon na lampas trenta/ punyeta/ ang kamay ko maga na/ pero malambing ang mga haplos/ himas at ngiti/ pantanggal ng kirot/ manhid at hapdi/ at ang dampi/ ng na sa itaas/ tingin sa sinuman laging patas/ malubhang sakit laging may lunas/ at laging nagbibigay--lakas



tik-tak-tik-tak/ salamat sa pangalawang buhay/ panibagong paglalakbay/ na makulay/ walang humpay/ at kung may, lubak at hukay/ iiwas ng malumanay/ at buong tapang tutulay/ magiging malaya/ parang ibong maya/ magiging masaya/ parang payasong may tama/ hindi mandadaya/ laging pupusta sa tama/ mga bagong pangarap/ na mailap/ di nakakalat at mapagpanggap/ ay mahahanap/ makakalap/ makakamtan ng tapat/ matutupad at magpapasalamat/ naririnig ang tinig/ ang himig/ ang bulong ng pag-ibig/ na nananaig/ ipayayapos ang kilig/ sa init at lamig/ ipahihiwatig sa buong daigdig/ magiging masaya at malaya/ aabutin mga bituin at mga tala/ at iibig ng walang daya.


Tuesday, April 27, 2010

"just another shit"

muntik akong malunod sa kagandahan mong taglay/ kahit gutom basta't makita ka laging dumidighay/ sa bawat ngiti mo napapawi ang tamlay/ nauubos ang lumbay.

ang headband mong puti/ sabayan mo ng ngiti/ sa bawat ngisi/ parang nakikiliti/ ang boses mong sobrang tinis/ ang kutis mong sobrang kinis/ nakaka-inis/ dahil di ko naman masabi at di ko rin maamin

ang rosas mong blusa/ na nakaka-halina/ para akong hinihila/ para kang batobalani/ kusa akong sumasama/ kahit sabihan mo pang tanga/ mananatiling tangahanga


maikling pants/ na kulay itim/ lahat ng kelot napapatingin/ di ko alam ang gagawin/ kung iinom ka lahat ng tagay mo aking sasaluhin/ lagi kang hihintayin/ kahit pa gabihin/ kahit alam kong di na pwede/ hayaan mo na/ hindi na bale!

Tuesday, April 20, 2010

tunog ng talbog


kada, talbog ng bola/ sa kongkretong kalsadang/ baku-bako/ bawat galaw na liku-liko/ bawat takbong deretso/ walang preno/ bumira ng dos o tatlo/ buslo/ masuhay ang pulso/ walang kapos, laging husto/ bawat tira sakto/ ang galaw nakakalito/ kontra-tyempo/ ninakaw na ang bola sa kamay mo/ dapat listo/ sa ilalim ang pwesto/ ingat sa pito/ baka ma-tatlong segundo/ kung may reklamo/ dun ka sa presinto/ ubos na ang minuto/ naibuslo ko na ang panalo.


Photobucket


walang atrasan/ sa labanan/ ang talunan lamang/ ay koponan nila Magellan/ di iniinda ang banggaan ng katawan/ magka-pasa man/ ang karamdaman di kaya ng Alaxan/ bumangga man sa kasing laki ni superman/ ay pasan-pasan/ ang kakayahan/ na lumaban/ hanggang katapusan/ kasing liit ko man si Bal David/ kung talisurin at humampas sa sahig/ ay di pa rin padadaig/ bawat daang makitid/ ay pilit na tinawid/ bawat lay-up lumilipad sa himpapawid.


mas malaki kayo kaysa sa 'min/ mas matulin/ tangkad di kayang abutin/ liksi di kayang habulin/ kayo ay di namin/ kayang dayain/ dahil sa 'nyo ang ballpen ng committee/ sa 'nyo ang pito ng referee/ niluto ang laban, kami ang recipe/ kayo ang nagwagi/ kami ang nagapi/ pero mga manunood sa 'min kumampi/ nakuha 'nyo ang pekeng trophy/ simpatsa ng nakararami/ ang aming naani/ at kahit pa muling makatunggali/ ay lalaban kaming muli/ hanggang sa huling sandali.