Tuesday, April 20, 2010

tunog ng talbog


kada, talbog ng bola/ sa kongkretong kalsadang/ baku-bako/ bawat galaw na liku-liko/ bawat takbong deretso/ walang preno/ bumira ng dos o tatlo/ buslo/ masuhay ang pulso/ walang kapos, laging husto/ bawat tira sakto/ ang galaw nakakalito/ kontra-tyempo/ ninakaw na ang bola sa kamay mo/ dapat listo/ sa ilalim ang pwesto/ ingat sa pito/ baka ma-tatlong segundo/ kung may reklamo/ dun ka sa presinto/ ubos na ang minuto/ naibuslo ko na ang panalo.


Photobucket


walang atrasan/ sa labanan/ ang talunan lamang/ ay koponan nila Magellan/ di iniinda ang banggaan ng katawan/ magka-pasa man/ ang karamdaman di kaya ng Alaxan/ bumangga man sa kasing laki ni superman/ ay pasan-pasan/ ang kakayahan/ na lumaban/ hanggang katapusan/ kasing liit ko man si Bal David/ kung talisurin at humampas sa sahig/ ay di pa rin padadaig/ bawat daang makitid/ ay pilit na tinawid/ bawat lay-up lumilipad sa himpapawid.


mas malaki kayo kaysa sa 'min/ mas matulin/ tangkad di kayang abutin/ liksi di kayang habulin/ kayo ay di namin/ kayang dayain/ dahil sa 'nyo ang ballpen ng committee/ sa 'nyo ang pito ng referee/ niluto ang laban, kami ang recipe/ kayo ang nagwagi/ kami ang nagapi/ pero mga manunood sa 'min kumampi/ nakuha 'nyo ang pekeng trophy/ simpatsa ng nakararami/ ang aming naani/ at kahit pa muling makatunggali/ ay lalaban kaming muli/ hanggang sa huling sandali.