hinahabol ako ng isang bangungot/ pinilit kong magtago sa makapal kong kumot/ siniksik ko ang sarili at ako’y bumaluktot/ ako’y naabutan kaya sa ulo ako’y napakamot.
Isang bobong mangkukulam na tambay sa kanto/ sa madilim na sulok sa ora-de-peligro/ mukha nya’y hugis mangga/ nuknukan ng haba ang baba nya/ at kulang ang harang sa bunganga/ makapal ang buhok sa dami ng kuto/ at kung titignan mo ang itsura nakaka-insulto/ mahaba ang buntot/ walang utong at malibag ang suso.

di ako makapagtago/ sinusundan ako/ sa daang lubak man o espaltado/ pero ultimo/ sariling grupo/ ng mga mangkukulam sya'y tinataboy palayo/ sinusuka/ at dinudura/ na parang malapot na berdeng plema/ pero di nagsasawa ang bruhilda/ ang kapal ng mukha nya/ na mistulang alpombrang gawa sa lata.
ang lamang-lupang ito'y mayabang/ at daig nya pa ang tanga/ dahil sya'y nagdudunung-dunungan/ nagpapanggap na maraming alam/ nagtatalino-talinuhan/ kulang na lang kidlatan/ at parusahan/ ilubog sa lupa/ gawing pataba/ at lamunin ng halamanan/ eto pa ang malubha/ meron syang kasama/ isang hugis tao/ na may mata ng kwago/ at ulo na bao/ ang boplaks at ang tolongges/ na may iisang amoy/ ito'y laway na panis/ at ang bangis/ dahil pareho silang mandaraya/ kasi pati pagsusulit ng kanilang guro/ kanilang minanipula/ ginamitan ng siencia/ sagot ng katabi ang kinopya/ at yung isa di pa nakuntento/ gumamit pa ng telepono para ang pagsusulit garantisadong perpekto/ sinigurado ng tarantado.
habulan yata to' na walang hintuan
walang hangganan
ang sandata ko lang, ay lapis
at papel lang pananggalang.
sana'y maalimpungatan.
october.17.2009|12.50am