Monday, December 13, 2010

223

Hi miss, pwede ka bang makilalang muli? wag ka namang magmadali, pahingi naman kahit konting sandali.


unang beses kitang nakita/ sa ladislao diwa/ may kasama ka pang matabang bakla/ di ko na matandaan kung ako'y napatunganga/ natulala o may tumulong laway mula sa bunganga/ pero sigurado akong/ sayo'y, di ako humanga/ pero tang'na/ isang 'bes lang kita nakita/ pero lagi na kitang naaalala/ pwede ba kitang makilala?

dalawang taon ang nagdaan/ pagkatapos nito'y muli kang namasdan/ sa klasrum na maingay at mainit/ pawis ang ilong, likod, pati singit/ pero 'pag sayo nakatitig/ ang paligid biglang malumanay at tahimik/ pakiramdam ay laging presko/ parang umiinom ng malamig na zesto/ kung minsan ay nangi-ngiting mag-isa/ kahit mukhang tanga/ kasi naaalala na/ kapag bumelat ka hugis puso ang dila nakakatuwa/ sobra mong kwela/ kaya ni-minsan 'di-umabsent sa iskwela/ sinasadyang ang lecture ay di makumpleto/ para mahiram ko ang iyong kwaderno/ salamat sa notebook!/ pasensya na parang gago 'ata yung mga sagot ko sa slumbook/ hanggang sa nagbiro ang pagkakataon/ pati si maam naki-ayon/ laging may baon/ na biro/ naki-halubilo sa mga kaklase nating sira din ang ulo/ hanggang di ko na matandaan/ kung kailan/ tayo nailang/ at bigla mo kaya akong sampalin/ kung sasabihin kong ako'y bading/ dahil di ko kayang aminin/ o sabihin/ isusulat ko na lang sa tubig o ipatatangay sa hangin/ ang tunay na nilalaman ng aking damdamin.

ika-9 ng setyembre, salamat sa pangalawang buhay ko/ naisip at napagtanto/ na kailangan ng aminin 'to/ kung humihilab lang ang tyan ko/ o tunay ang nadarama ko/ disyembre, unang beses kitang nakadaupang-palad/ magkasabay na lumakad/ sa kalsadang malapad/ pero parang di pinalad/ dahil ang lahat-lahat na aking inilahad/ mistulang nabalewala/ di pala tayong tunay na magkakilala at





at di ko/ na itutuloy ang kwento/ di ko na sasabihin/ dahil parang nakaka-asar basahin/ kung di rin magiging happy ang ending/ kasi/ sana/ i-tobecontinue pa natin.miss pwede ka bang makilala ulit?!



pebrero 4, 2010 | 1:15a.m.