Monday, December 13, 2010

kwela-iskwela


matatapos ang ngayon/ tatawagin itong kahapon/ at para marating ang kinabukasan/ kailangang tapusin ang maghapon/ salamat po Panginoon/ para sa mga taong/ nahuhuli sa karera/ ay lagi mong nililingon/ at ginagawaran ng isa pang pagkakataon.

gising nang/ alas kwatro-y-media/ ng umaga/ deretso sa kubeta/ ang almusal para sa 'kin di mabenta/ higop ng gatas sa tasa/ ayoko ng kape o tsaa/ mapakla ang lasa/ mag-aabang, sasakay, at dapat listo ka sa bus/ baka makatulog/ lumampas sa lawton at mapadpad sa sta. cruz

ang aga-aga/ ko na/ ang haba-haba pa rin pala/ ng pila/ parang di umaandar kanina pa/ anak ng tinapa/ ihing-ihi na ko/ 'pag pasok ko sa banyo/ kumunot ang noo/ sa sobrang baho/ sa ilong ko/ parang may gumuguhit na basag na plato/ walang tabo/ ang salamin malabo/ walang tubig sa gripo/ at yung magagandang banyo/ nakakandado.

balik sa pila/ na kanina ay may tatlongpu't walong katao/ pero ngayon/ parang lahat ng tao/ sa pitong libo - isandaa't pitong pulo/ ay nandito/ nakakahilo/ inom muna ng C2/ pampalamig sa mainit na ulo kong kumukulo/ pagkatapos sa pila/ punta dito, balik doon/ pagkatapos ng labing anim na beses na paikot-ikot/ at pabalik-balik/ salamat at tapos na rin ang enrollment/ sa first day of class meron agadassignment/ mahabang sulat-kamay, nakakangawit/ kung ang sulat mo pangit/ baka ipa-ulit/ kung ma-late at mapagtripan/ pakita ka ng special talent/ nakakabwiset/ pero ngingiti ka pa rin kay sir/ parangcontestant ng beauty pageant/ minsan late ang prof. at konti lang naituro/ di pa klaro/ ang labo/ patay!/ dahil bukas may long quiz tayo/ anong aasahan mo/ sa grado ko?/ syempre zero/ ayos lang/ sayo na isandaan mo/ nakita ko/ kanina nire-review mo/ lukot na kodigo/ ipagmalaki mo yan sa lolo mo!/ prelim, midterm, final exam/ laging inaasam/ ang isandaan/ pero di makamtan/ dahil ang hinaharangan/ ng bungo kong kapirasong laman/ ay kaunti lang/ ang nalalaman/ pero punong-puno ng wisyo/ at may di nababaleng prinsipyo/ ang talino/ di ibinase sa libro/ utak-kalye/ sa buhay may diskarte/ magalang sa nakatatanda/ at maginoo sa babae/ kahit minsan lang makadale o minsan lang makabawi/ alam mong pasado ka na sa klase/ pero sabi ni sir na bungi/ panot at pangit/ ako daw ay sumabit/ at kailangan daw ng special project

Nakakapagod.


kahit ganito ang iskwela ko/ kwela dito/ kahit mainit sa klasrum/ 'kaantok/ nakaka-high para kang tumira ngvaluum/ uminom ka ng imodium/ dahil nakaka-pressure/anglecture/ at lahat ng uri ng submission/ pero di problema ang tuition/ fee/ may sobra palagi/ pambili o pang-libre/ ng sisig/ at isa't kalahating kanin/ at may konti pang toppings/ o pwede ka rin tumuhog/ wala lang sanang mahuhulog/ fishball at kikiam/ o kwek-kwek/ ganito ang iskwela ko/ di man perfect. kahit pangalawang beses na inulit ko/ o kahit umabot ng pang-walo/ uulitin ko/ ang buhay-kolehiyo/ ng pagiging inhinyero/ ay pipiliin ko pa rin ang iskwelang ito.




photo|tough hits vol. 2 by tito vic and joey
plojopoemas|march.21.2010|6.32pm