Huwad ang ilaw
Huwad ang kulay
Mapagpanggap
Pula ang kulay ng langit
Walang bituin na nakasabit
Di na babagsak ang mga tala
Walang nakadungaw sa saradong bintana
Ang radyo wala nang huning musika
At ang hangin matamlay ang paghinga
Pula ang suot mong damit kanina
Habang hinahagkan mo sya.