Monday, December 13, 2010

dahon



Minsan ako’y munting dahon
Minsan ako’y tumubo sa puno

Ngunit di rin naman nagtagal
Hangin ako’y tinanggal


Pinilit kong lumapit at dumikit
Pinilit kong kumapit ng mahigpit

Di ko akalain puno, ikaw pala’y malupit
Dahil papalayo mo akong pinitik

kasabay ng pagpalit ng kulay
kasabay ng pagkalanta at pagkatamlay

kasabay ng pagdilim
kasabay ng pagkulimlim

munting dahon
natuyo
naglaho





december27.2008