Monday, March 29, 2010

O2



makakalimutan kong huminga








pero
ang
makalimutan
ka
di
ko
kaya


kwentong insekto 2.0



Malamig ang sikat ng araw, nagyeyelo ang tubig sa takure, at maginaw ang tsokolate't kape.


"At ang Langaw Naglaho Kasabay ng Natutunaw na Mantikilya"


Lumagapak at dumausdos ng matulin deretso sa mga hita mong makinis, tinaboy mo ako, at napadpad malapit sa 'yong noo, iwinagayway mo ang kamay mo at matamis na halik mo ang natikman ko, nadiri ka at ako'y natangay ng iyong pagkadismaya.
Ang kamay mo'y naglakbay sa di-kalayuan, naghanap ng sandata, na sa 'king guni-guni ay mahinahon at mapurol, ngunit ang totoo'y dyaryong nakapulupot sa makamandag at matalas na punyal.


Ako'y tinamaan, nahulog sa himpapawid at tumagos sa mga mapag-panggap na mga ulap. Bumagsak ng nakadapa sa dilaw na mantikilya.
Natunaw.




05.11.09|11:13pm

kwentong insekto



May magulong pangyayari sa isip ko bumagabag, sa bilis ng pangyayari utak ko'y nagkakabag, huminto, natigilan, bigla akong pinagpawisan, naipit sa dalawang bulaklak na nagbabanggaan, ako'y isang bubuyog lamang na walang alam, kundi lumipad, kung tinatamad naman, ako'y naglalakad, at kung di ka maniniwala baka ako'y iyong matapakan, sa kalsadang walang laman, kahit ni-isang nilalang, at kung sakaling matapakan mo man at humiwalay ang pakpak sa katawan, madurog, sumabog at kumalat ang dugo, sa kalsadang punong-puno ng dahonng tuyo, di na tayo magkikitang muli.

Pagsasabihan ko na lang yung kaibigan kong kuliglig na sya na lang ang magdilig, dahil bobo ka! ay ibig kong sabihin bubuka, bubuka ang bulaklak at mananatiling maganda.

Ako'y napabalikwas at sa panaginip biglang nagising, ako'y napa-iling dahil hanggang ngayon ako'y bubuyog pa rin, na hindi pa pumapanaw, ikaw pala bulaklak ang nulunod sa tubig na umaapaw.
patay!













"A Jolly Bee"
isinulat noong ika-25 ng enero taong 2009

Sunday, March 28, 2010

bertdey


At ang burger na galing sayo
ay malinamnam
at naiiwan ang lasa sa lalamunan




wag lang cheesy
nakaka-uta na eh!


kwentong fairytale


"...taga-saan ka?"
"ahmm, Muntinlupa."


"Diwata"


noong lunes ika'y naka-lila
ngayong miyerkules naka-pula
may mahaba at matulis na tenga
may pakpak na parang puting tela
maitim na ulap na lumuluha
sa bawat kumpas mo, pumapayapa

diwatang lubhang mahiwaga
ihahatid na sana kita sa Muntinlupa
ngunit ako'y isang hampaslupa
na naka-kubling humahanga



"Physically Present, Mentally Absent"
sa klase
sa'yo naka-titig
sa prof.
di nakikinig





" Ang Dyosa at Ang Tupa"
sya'y naka-pantalong kulay rosas
sya'y naka-blusang kulay gatas
ako'y naka-damit kulay lumot
ako'y nakapuruntong kulay dugyot
sya'y isang dyosa
ako'y itim na tupa
tang' na,
mapansin mo sana.


"angkas"
naka-dungaw sa bukas na bintana
nanunuod sa ulang pumapatak sa lupa
--ako, nakatitig
--ako, humahanga
nagbukas ng radyong maingay
nakihimig sa kantang malumanay
--ako, nakikinig
--ako, humahanga
nag-ayos ng buhok na naka-lugay
ngumiti sa 'kin at kumaway
--ako, nagitla
--ako, bumangga

"Miss Interpret"
kilos na mahinhin
tinging nakakahumaling
matang mapupungay
lakad na malumanay
mukhang maaliwalas
ngiting walang kupas
at malakas na hampas
sa aking braso
kwela ka rin pala!


payong



sarap mong payungan
sarap nyang payungin!



tanghali na naman/ at wala na namang masakyan na di-tayuan/ ukopado na ng iba't-ibang tao ang lahat ng upuan/ at tuluyan ng bumiyahe sa mahabang daanan/ nagbayad at nasuklian/ oras na para bumukas ang automatic na pintuan/ pagka-hakbang sa hagdanan/ pagbaba sa kalsada muntik pang masagasaan/ umpisa ng araw na nuknukan ng kamalasan.

pinatay na ang kanta na tumutugtog sa aking tenga/ kinapa ang bulsa at anak ng tupa/ nawalan ako ng syento-singkwenta pesos/ at ang natirang dalawang piso pinambili ko na lang ng mentos/ pangkalma, pangbanto/ sa mainit kong ulo na kumukulo.

pumasok na ako sa malaking kahoy na pinto/ na-alarma ang gwardiya at pumito/
"travelling?" ang sabi ko/ sabi nya, "tarantado, yung i.d. mo isuot mo"/ ako'y umeskapo patungong banyo/ sa unang banyo/ baha at lahat ng butas ay barado/ ultimo ang tubero mainit ang ulo/ sa pangalawang banyo/ basag ang salamin at walang tulo sa gripo/ at sa huling banyo/ ang pintuan naka-kandado/ wala ng nagawa/ akyat sa ika-limang palapag/ sakay sa elevator na nakakalula't nakaka-kulubot ng bayag/ mga kaklase natagpuang di-natitinag/ tuloy ang kasiyahan/ tuloy ang tawanan/ tuloy ang halakhakan/ tuloy ang mahabang kwentuhan/ na noong makalawa pa inumpisahan/ kanya-kanya ang bitaw ng palakpakan/ meron sa unahan/ sa likuran at tagiliran/ handog sa mga nagsipag-sayawan/ kantahan/ at mga palarong pambata/ na sinimulan ng ka-iskwelang/ parang mga tamang hinalang/ tinamaan ng bulalakaw mula sa kalawakan/ ayos lang/ at tuloy ang walang humpay na sigawan/ ultimo ang dapat pag-aralan ay di rin naman natutunan/ nasayang lang/ ang pagod mula sa pagpanik sa hagdanan/ at ang mahabang talakayan/ mula sa aleng malayo pa ang pinanggalingan/ hayaan na lang.

dumating na rin ang oras na pinaka-aabangan/ sa dinami-dami ng mangyayari eto talaga ang aking inantabayanan/ ang pagkanta ng kwelang diwatang mahiwaga/ at ang himig ng awitin/ mistulang halimuyak na hinatid ng hangin/ at ang damdaming praning/ dahil sayo/ naging kalmado/ handang magbago/ magpapakabait na ko/ at di na mang-gagago/ pangako.


malakas ang ulan/ ngunit handa ako/ na ika'y aking payungan/ sabi mo salamat na lang.
sa mahabang daanan/ ako'y nakipag-unahan sa takbuhan/ ngunit ako'y naabutan pa rin ng bilis ng kalungkutan.

sinaliksik, siniyasat, at hinanap/ ang katotohanan/ at pagkadismaya ang tumambad sa aking harapan.
di bale na lang/ wag mo kong kausapin/ wag mo kong pansinin/ wag mo kong intindihin/ at kung sakaling/ makasabay kitang muli sa daanang makulimlim/ pangako./ nakahanda akong/ ika'y aking payungin!



|september15.2009.11:58pm

kodigo


tapos na ang maghapong pagsusulit/ mula sa gurong may konting buhok at may kulang na ngipin/ nakaka-praning kung iisipin/ pagod ang utak ko sa pag-iisip/ pudpod ang lapis ko sa bawat kudlit/ ubos ang tinta ng ballpen ko sa bawat guhit/ at ang nakaka-inis ang mga kaklaseng nagmamalinis/ kasi sa bawat sagot na tama na kanilang inilathala/ ay galing sa pandaraya/ di bale na akong mabokya/ at plumakda ang grado sadsad sa lupa/ kesa naman sa "isandaan"/ na ang pinang-galingan ay baluktot na kalakaran/ tatanggapin ko na ang grado kong butata/ at malinis kong pagpapasya.





sa inyo na ang "isandaan" na maputik at magrasang kunsensya yun naman ay kung meron ka pang natitira.


plojopoemas|october.16.2009