mag-isip
august.28.2009


ABCDEFG
Ballpen ko’y walang tinta, calcu’ ko’y walng silbi
HIJKLMNOP
Ako’y tinanghali, lumiban at tumambay sa tabi
QRSTUV
Sumandal sa poste, nagbilang ng dumadaang kotse
WXYZ
Walang natutunan, tapos na ang klase.
‘To ay babasahin para sa mga hindi mahilig magbasa!
‘To ay para sa mga mahilig tumawa, mahilig pagtawanan ang iba,
at para sa mahilig mag-mura! syit!
Tapos na ako sa MALULUPIT(technician),
punta akong MABABANGIS!(engineering)
Marami ditong, matatalino, maraming alam.
At mga walang alam, mga hunghang, mga mang-mang!
Gusto kong mag-sanay dito
At maging MABANGIS.
Pero dito binasag at dinurog nila ako ng buo
Solid to Liquid! Evaporation ata tawag dun. syit!
Pina-alam nila na isang buong libro ang alam ko,
At sila naman,
tatlong library. wow bigat!
Yung matatalino dito
kailangan ng maraming libro,
Maraming papel, para sa scratch,
at maraming scientific calculator.
Yung mas matatalino naman dito
kailangan lang ng isang ballpen at konting papel,
kahit anong calculator, para sa props,
at mala-ninja sa bilis na mga mata.
Ganun ka-basic, syit ulit!
Gusto ko lang ikwento,
Di ko gusto maging rebolusyonaryo
Walang dadanak na dugo, gaya ng ginawa ni Andres
Walang pananaw na magbabago, gaya ng ginawa ni Gat Jose
Pero pwedeng lumobo ang sipon sa kakatawa.
Pwedeng magmura pag di mo nagustuhan ang yong binasa,
at kung nagustuhan mo naman,
pwedeng magmura ng dalawang beses! Taenang Syit!
-adbentyur ng batang row four sa college
malamig/ maginaw/ ang tanging pang-tapat ay kapeng matabang/ at mainit na sabaw.
ikaw ang dahilan kung bakit masarap gumising/ kahit pa maginaw na hangin ang yayapos sa akin/ ay pipilitin/ lalanguyin/ ang timba at tabo/ tunaw na yelo/ ang pampaligo/ tuyot ang nguso/ sa ilong, sipon at dugo/ ang tumutulo/ pero 'sang lingon mo lang/ gumagaan ang pakiramdam/ kapaligiran ay nagiging maligamgam.
ikaw ang nota/ do-re-mi-fa/ sa malambing na musika/ so-la-ti-do/ pang-sakto ng tempo/ ang himig laging timplado/ sa sayaw/ boogie, tango, o huling el bimbo/ ikaw ang nagbibigay ng tyempo/ para sa bawat hakbang/ may tamis at konting anghang/ pang-alis/ ng umay/ at kontra-tabang/ nakaka-indayog/ ang hatid mong tunog/ sa gabi/ malanding tinig mo ang pampatulog/ laging nahuhulog/ kahit isang lingon mo lang!
“Rest your weary heart”
Magkasalungat ang paghinga at pintig ng puso
Magkalaguyo ang asido at tuyong dugo
Kinukumot ang kaba
Nilulungad ang luha
shhh…
Lahat nagawa mo na,
Pahinga ka na,
AKO na bahala sa iba.